| Roosevelt Million Dollar Bill Text (Tagalog Translation): Ang milyong Dolyar na katanungan: Anong mangyayari saiyo pagkatapos mong mamatay? Sagot: Ikaw ay hahatulan ng banal at makaturungang hukom- Ang Diyos na Manlilikha ng sangkatauhan. Siya ang Diyos ng mga mananampalataya (Kristiano). Siya’y si Jesu-Cristo. (Gawa 17: 31, Hebreo 9:27) Ikaw ba’y inosente(walang sala)) o nagkasala? Alamin natin…Isang gabay sa pagtukoy nito ay ang Sampung Utos ng Diyos. Naisagawa o nasunod mo ba ito lahat nang ganap at may katapatan? Ikaw ba’y nakapagsinungaling, kumuha ng hindi saiyo(nagnakaw), o naging sakim? (tatlo lamang ito sa Sampung Utos ng Diyos). Ang isa pang maaaring maging gabay ay ang Pahayag 21:8. Sinasabi rito na ang mga duwag, mga di mananampalataya(makasalanan), mapanirang-puri, mamamatay-tao, pagpasasa sa kahalayan, mga mangkukulam/gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, mga sumasamba sa Diyus-diyosan, at lahat ng kasinungalingan, “ sila’y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na apoy……” Sinasabi ng Biblia sa Santiago 2:10, kung lumabag ka ng kahit isa sa mga kautusan, ay lumabag sa lahat(kautusan). Para mapatunayang hindi nagkasala, kinakailangan mong mamuhay nang ganap-walang dungis ng pagkakasala-simula ng ika’y ipanganak. Ngunit walang isa man ang makagagawa nito, kahit ikaw.(Roma 3:23; 1 Juan 1:8) walang sinuman ngunit my nag-iisa…
Ang Diyos ay nagpakababa at nagkatawang tao- Jesu-Cristo. Ginawa Niya ang hindi mo kayang gawin- Hindi Siya nagkasala. Si Jesus ay namatay sa krus bilang katubusan ng iyong mga kasalanan. Sa ikatlong araw siya’y muling nabuhay- napagtagumpayan Niya ang kapangyarihan ng kasalanan at ang kamatayan para sa ating katubusan/kabutihan. Ikaw ay maililigtas mula sa kahatulan ng iyong pagkakasala- na siyang nararapat saiyo- at ikaw’y maililigtas! Ang dugo ng Diyos, na dumanak sa krus ang siyang maglilinis sa lahat ng iyong mga kasalanan para ikaw’y mapatunayang inosente o walang sala. Paano? Magkaroon ng pananampalataya kay Jesus. Ang pananampalataya ay hindi lang basta maniwala, ito’y may kalakip na pagtitiwala sa Kanya at pagsisisi o pagtalikod sa mga kasalanan(Gawa 20:21). Ang pagsisisi ay pagtalaga sa sarili na iwanan na pamumuhay na makasalanan. Matutunan mong ikaila ang iyong sarili at mamuhay para kay Cristo(Lukas 9:23). Maging layunin mo na si Cristo ang magiging sentro ng iyong buhay(John 15:4). Ikaw ay magiging tagasunod ni Cristo(Gawa 11:26). Wala nang iba pang paraan para ikaw’y mahayag na walang sala o inosente sa harapan ng Diyos kundi sa pamamagitan lamang ni Cristo. Sinabi ni Jesus: “ Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” |